Biblia na Madaling Basahin

Nabuo namin ang Biblia na Madaling Basahin para bigyan ang mga Kristiyano ng de-kalidad na mga mapagkukunan para sa espirituwal na debosyon, at ipalaganap at patotohanan din ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa mas marami pang tao. Sa pamamagitan ng app na ito, magagamit mo ang iba’t ibang pagsasalin sa Biblia upang ihambing ang mga babasahin para mas madali mong maunawaan ang Biblia. Naghanda rin kami para sa iyo ng mayamang espirituwal na nilalaman at mga artikulo ng patotoo sa tunay na buhay. Umaasa kaming makakatulong ang mga ito sa iyo na malutas ang mga problema at pagkalito mo sa iyong espirituwal at pang-araw-araw na buhay, makapagtatag ka ng normal na relasyon sa Diyos, at magtamo ka ng higit na kaliwanagan mula sa Diyos.
Ang app functionality ay simple at sapat ang linaw para magamit ninuman, kaya saan ka man naroon, masisimulan mo ang iyong espirituwal na paglalakbay sa isang pindutan sa libreng oras mo.

Bakit ba Dapat Gamitin ang Biblia na Madaling Basahin?
Ito ay ganap na libre at masisiyahan ka sa lahat ng tampok nang walang gastos. Ang app na ito ay tinutulutan kang basahin ang mga Banal na Kasulatan nang walang problema.
Ang mga siping pinili mula sa Biblia ay may kasamang mga interpretasyon upang bigyan ka ng maginhawang karanasan sa pagbabasa.
Ang Pag-aaral ng Biblia ay nagbibigay sa iyo ng de-kalidad na mga artikulong nagpapaliwanag sa mga sipi sa Biblia, gayundin sa mga paksang pag-aaralan na mahalaga sa mga Kristiyano, upang gabayan ka sa mas malalim na pag-aaral ng Biblia.
Ang app ay may kasamang mga artikulo na nagpapaliwanag sa mga propesiya sa Biblia upang tulungan kang pag-aralan ang katuparan at tagumpay ng mga propesiya ng Diyos tungkol sa mga huling araw, para maging malinaw ang tunay na kahulugan ng mga ito.
Sa piniling seleksyon ng mga artikulo ng patotoo, ibinabahagi namin sa iyo ang mga tunay na karanasan ng mga Kristiyanong nagtiwala sa Diyos at nakita ang mga gawa ng Diyos nang maharap sila sa hirap at pagdurusa sa kanilang buhay para madama mo ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos.
Makakahanap ka rito ng mga video ng mga himno, mga pelikula tungkol sa ebanghelyo, at lahat ng klase ng video tungkol sa mga buhay sa pananampalataya ng mga Kristiyano, na magbibigay sa iyo ng mas malalim na pag-unawa sa gawain ng Diyos at maghahayag ng mas maraming katotohanan at hiwaga sa iyo.
Lahat ng klase ng magagandang larawan ay maaari mong i-download at ibahagi nang libre!

Mga Tampok
Mga Pasadyang Larawan: Isang simple at madaling paraan para lumikha ng sarili mong mga larawan, na idinaragdag ang paborito mong mga talata sa Biblia.
Pag-navigate sa Banal na Kasulatan: Nagbibigay ng madali at nababagay na mga pamamaraan sa pag-navigate sa mga Banal na Kasulatan upang tulungan kang mas mabilis na mahanap ang mga sipi ng Biblia na kailangan mo upang simulan ang iyong paglalakbay sa pagbabasa ng mga Banal na Kasulatan.
Paghahambing ng maraming teksto: Nagtutulot ng sabay-sabay na paghahambing ng maraming pagsasalin ng Biblia, na nagpapadali sa paggawa ng reperensya at paghahambing ng Banal na Kasulatan.
Magbasa pa
I-collapse
4.5
1,844 ang kabuuan
5
4
3
2
1
Naglo-load…

Ano'ng Bago

1.We made some improvements to the app to make it better for you.
Magbasa pa
I-collapse

Karagdagang Impormasyon

Na-update
Enero 12, 2021
Laki
15M
Mga Pag-install
100,000+
Kasalukuyang Bersyon
3.2.1
Nangangailangan ng Android
4.1 at mas bago
Rating ng Content
Mga Interactive na Elemento
Pakikipag-ugnayan ng Mga User
Inaalok Ng
Christian Holy City Church
©2021 GoogleMga Tuntunin ng Serbisyo ng SitePrivacyMga DeveloperTungkol sa Google|Lokasyon: Estados UnidosWika: Filipino
Sa pamamagitan ng pagbili sa item na ito, nakikipagtransaksyon ka sa Google Payments at sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at Notification ng Privacy ng Google Payments.