Pamahalaan
10K+
Mga Download
Rating ng content
Lahat
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan

Tungkol sa app na ito

Ang app ng Fair Work Ombudsman na Record My Hours ay ginagawang madali ang pagtala ng mga manggagawa ng kanilang mga oras ng trabaho at pagpasa ng impormasyon tungkol sa kanilang pagtatrabaho.
Ang app ay gumagamit ng mga tampok ng smartphone kabilang ang Wi-Fi at GPS tracking upang awtomatikong itala ang oras ng isang user sa trabaho. Ito ay nagpapahintulot din sa mga user na mag-input ng mga shift o pinuhin ang tinantyang shift para lalong maging tumpak. Pagkatapos, ang mga user ay maaaring magpadala ng impormasyon sa kanilang mga ginustong kinatawan kung mayroon silang isyu sa lugar ng trabaho.

Marami pang ibang mga tampok ang app. Ang mga user ay maaaring:
• Magtabi ng roster ng lahat ng kanilang mga shift, kabilang ang mga bakasyon
• Magtakda at tumanggap ng mga abiso tungkol sa kanilang roster
• Ipasok at subaybayan ang maramihang mga trabaho at mga lugar ng trabaho
• Kumuha ng mga larawan ng mga impormasyon na kanilang pagmamay-ari o pinapayagan silang ma-access, tulad ng kanilang sariling mga pay slip.
• i-eksport ang data sa kanilang ginustong kinatawan
• I-back up ang impormasyon sa kanilang personal na cloud storage
• Itala ang mga kaayusan ng por pirasong trabaho (kabilang ang mga lokasyon ng trabaho para sa mga gumagalang manggagawa)
• Buksan ang app sa 17 mga wika.

Ang Record My Hours ay 100% pribado at ligtas. Walang datos ang naka-imbak sa sentrong lugar at walang sinuman ang maaaring maka-access ng datos ng user maliban kung pinili nilang ibahagi ito.

* Dapat panatilihin ng mga user na naka-on ang Wi-Fi sa Mga Setting upang makuha ang pinaka-tumpak na pagtatantya ng kanilang mga oras sa trabaho.

* Ang awtomatikong pagtala ay hindi gagana para sa lahat ng uri ng trabaho, tulad ng mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na walang mobile o Wi-Fi o mga tao na bumibiyahe nang mahaba para sa trabaho. Ang manwal na pagtala ay nakasama para dito.

* Ang mga tuntunin sa pribasya at pagiging kompidensiyal ay umiiral sa lugar ng trabaho Huwag kang kumuha ng mga larawan ng ibang tao o impormasyon ng negosyo.

* Sa pamamagitan ng pag-install ng App sa iyong device, ikaw ay sumasang-ayon na masaklawan ng mga tuntunin at kundisyon sa paggamit nito. Maaari mong tingnan ang mga tuntunin at kundisyon sa www.fairwork.gov.au/apptermsandconditions.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o puna sa app, mangyaring mag-email sa amin sa app@fwo.gov.au.

Pakitandaan: Ang automated shift tracking ay nakasalalay sa mga setting ng device at kawastuhan ng lokasyon. Ang patuloy na paggamit ng GPS na tumatakbo sa background ay maaaring makabawas nang husto sa buhay ng baterya.
Na-update noong
Okt 16, 2024

Kaligtasan ng data

Nagsisimula ang kaligtasan sa pag-unawa kung paano kinokolekta at ibinabahagi ng mga developer ang iyong data. Posibleng mag-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad ng data batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Ang developer ang nagbigay ng impormasyong ito at posibleng i-update niya ito sa paglipas ng panahon.
Walang data na ibinabahagi sa mga third party
Matuto pa tungkol sa kung paano inihahayag ng mga developer ang pagbabahagi
Walang nakolektang data
Matuto pa tungkol sa kung paano inihahayag ng mga developer ang pagkolekta

Ano'ng bago

- Privacy and security improvements
- Enhanced address look-up feature to help with setting workplaces
- Bug fixes and other minor enhancements
- New data import features

Suporta sa app

Tungkol sa developer
OFFICE OF THE FAIR WORK OMBUDSMAN
app@fwo.gov.au
414 La Trobe St Melbourne VIC 3000 Australia
+61 476 893 452