Edukasyonal na larong pambata para sa mga batang nasa pre-kindergarten. Ang aming aplikasyon ay may 30 na pang pre-kindergarten na aktibidad para sa mga bata na makakatulong sa iyong anak na malinang ang kanyang mga pangunahing kakahayan gaya ng koordinasyon ng mata at kamay, kakayahang gumalaw, lohikal na pag-iisip, at biswal na persepsyon. Itong mga larong ito ay angkop sa mga batang babae at lalake, at maaaring maging parte ng kanilang pag-aaral sa pre-kindergarten at preschool.
Larong Pangsukat: Intindihin ang pagkakaiba ng mga sukat sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ng mga bagay sa mga tamang kahon.
Larong 123: Pagbilang sa mga maliliit na bata para matutunan ang mga numerong 1, 2, at 3.
Larong Palaisipan: Isang simpleng palaisipan para sa mga bata para mapahusay ang kanilang koordinasyon ng mata at kamay.
Larong Lohika: Linangin ang memorya at lohika gamit ang mga nakakatuwang hayop.
Larong Panghugis: Pagbukudbukurin ang mga bagay ayon sa kanilang hugis para malinang ang kanilang biswal na persepsyon at koordinasyon ng mata at kamay.
Larong Pangkulay: Pagbukudbukurin ang mga bagay ayon sa kanilang kulay habang nakasakay sa tren o bangka.
Larong Panglohika: Intindihin ang layunin ng mga bagay na ipinakita.
Larong Pangdisenyo: Linangin ang biswal na persepsyon sa pamamagitan ng pagbukudbukod ng mga gamit na may iba’t ibang disenyo
Larong Memorya: Piliin ang tamang bagay na ipinakita kanina at kung angkop ito sa kanyang uri.
Larong Atensyon: Linangin ang atensyon at kakayahang gumalaw sa isang simple pero nakakaaliw na laro.
Ang mga pambatang larong ito ay angkop para sa mga batang pre-kindergarten at kindergarten na gustong matuto sa pamamagitan ng paglalaro.
Edad: Mga pre-kindergarten at kindergarten na batang may mga edad 2, 3, 4, 5, o 7
Wala kang makikitang mga nakakairitang ads sa loob ng aming aplikasyon. Kami ay matutuwa na makakuha ng inyong mga reaksyon at mungkahi.
Na-update noong
Ago 8, 2024