Ang pinakamabuting paraan para mapahusay mo ang paglalaro ay ang pgsasanay gamit ang iyong kasangkapan sa paglutas ng mga problema mula sa mga tunay na laro. Kung ikaw ay baguhan pero may kaalaman na sa pagbitag ng isang galaw, kailangan mong umusad at matutong umatake sa hari at bitagin ito ng dalawang galaw! Ang kursong ito ay naglalaman ng 19 000 na pagsasanay mula sa mga laro ng mga dalubhasa. Sa bawat pagsasanay, kailangan mong ipagpatuloy ang paghahanap ng pinakamabuting atake sa hari. Lahat ng pagsasanay ay galing sa tunay na laro at inayos ayon sa mga pangalan ng piyesa at hirap ng antas. Dahil sa dami ng pagsasanay, ang kursong ito ang pinakamabuting paraan ay para sa mabilis na pagkatuto ng mga baguhan at mga sanay ng manlalaro.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Hari + Reyna
2. Hari + Tore
3. Hari + Obispo
4. Hari + Kabalyero
5. Hari + Kawal
6. Reyna
7. Reyna + Tore
8. Reyna + Obispo
9. Reyna + Kabalyero
10. Reyna + Kawal
11. Tore
12. Tore + Obispo
13. Tore + Kabalyero
14. Tore + Kawal
15. Obispo
16. Obispo + Kabalyero
17. Obispo + Kawal
18. Kabalyero
19. Kabalyero + Kawal
20. Kawal
21. Pagbitag gamit ang kahit anong piyesa
Na-update noong
Set 30, 2024