Ikaw ba’y nahihirapan sa mga malalalim na salita sa akdang Florante at Laura? Ano pang hinihintay mo? Halina’t laruin ang BANITIKAN na iyong makakatuwang sa paglinang ng kaalaman sa wikang pampanitikan.
Ang larong ito ay magtutumbas ng malalalim na salita mula sa wikang pampanitikan tungo sa wikang pambansa na binubuo ng tatlong lebel (Madali, Katamtaman, Mahirap) na may tig-dadalawangpu (20) na mga pahayag.
Bago magsimula ang laro, ang mga manlalaro ay mayroong 7 puso na dapat ingatan at pahalagahan upang matapos ang pagsasanay. Ngunit kung sakaling sadyang mahirap ang pagdaraanan at maubos ang pusong pinahahalagahan, maaaring ulitin ang laro sa pamamagitan ng pag-reset sa profile o kung masyado mong ginalingan at nakaipon ng puntos, magtungo lamang sa tindahan upang bumili ng puntos at ituloy muli ang laro. Gayun pa man, maaaring madagdagan ang puntos sa iba't ibang paraa (1) kada tamang sagot ay may dagdag na isang puntos, (2) kapag nag streak o tatlong beses na sunod-sunod na tama ang sagot may dagdag na isang puntos, at (3) sa huling bahagi ng bawat lebel kapag nagtala ng iskor at ikaw ay nakakuha ng 18-20 may karagdagang isang puntos.
Dumako naman tayo sa profile, sa bahaging ito maaari mong i-customize ang iyong account sa larawan, pangalan, at seksiyon. Ito ay bahagi ng laro upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pagkatuto. Dahil nilalayon sa bahaging ito na, kapag ikaw ay hindi nakaipon ng puntos at naubusan ng puso maaaring i-reset ang laro at may tsansang maglaro muli.
Matapos ay susulat ng sanaysay ayon sa natutuhang salita alinsunod sa tema at krayteria. Ito rin ay may diksyunaryo na magsisilbing gabay sa isang makabuluhang pagsulat ng sanaysay.
Katuwang sa pagpapaunlad ng bokabularyo tungo sa malikhaing paggamit ng salita.