Ang Digisaka ay inisyatibo ng Leads Agri upang tulungan ang mga magsasaka at extension workers mas magkaroon ng masaganang ani at masaganang buhay habang lumalaban sa epekto ng climate change. Mas maggiging madali ang access nila sa mga impormasyon tulad ng presyo ng palay, panahon at ulan, kalusugan ng tanim at indikasyon ng peste, malapit na rental ng machineries at bilihan ng inputs, insurance at loan options, at magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan mula sa carbon credits. Ito ay dahil sa tulong ng emerging technologies tulad ng AI, blockchain, remote sensing, mga low-cost sensors, edge computing at IoT, drone technology at iba pa.
Tumutulong din ang Digisaka sa maayos na pagbuo ng digital na talaan ng mga sakahan, pagsubaybay sa mga gawain sa bukid, pagsuporta sa climate-smart na pagsasaka, at paglikha ng datos para sa mas maayos na pagpaplano, pagtutok at pag-uulat.
Makabagong Sistema sa Pagsasaka