Batay sa nobela ni Camille DeAngelis, ang "Bones and All" ay isang kuwento ng unang pag-ibig sa pagitan nina Maren (Taylor Russell), isang dalagitang natututuhan kung paano mabuhay sa laylayan ng lipunan, at Lee (Timothée Chalamet), isang mapusok at nalilitong batang palaboy; isang mapagpalayang paglalakbay ng dalawang kabataang tumatanda, inaalam ang kanilang pagkatao at naghahanap ng kagandahan sa isang mapanganib na mundong di tanggap kung sino sila. Si Luca Guadagnino ang direktor mula sa screenplay ni David Kajganich. Kabilang sa mahuhusay na cast sina André Holland, Chloe Sevigny, David Gordon Green, Michael Stuhlbarg at Mark Rylance.