Ang magkapatid na sina Dolores at Isaac ay binubugaw upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Nadiskubre ni Isaac na nagbabayad noon ang kanyang ama sa hepe ng pulis na si"Ser". Walang intensyon si Isaac na magbayad ng suhol kay Ser, at dahil dito ay ipakukulong siya nito. Dito, makikilala niya si Lydia na planong ibugaw ni Ser.