Tungkol sa palabas na ito

Ang Beloved Eun-dong na kilala din bilang My Love Eun-dong o This is My Love ay isang palabas sa telebisyon ng JTBC sa Timog Korea noong 2015. Pinagbibidahan ito nina Joo Jin-mo at Kim Sa-rang. Umere ito sa JTBC mula Mayo 29 hanggang Hulyo 18, 2015 tuwing Biyernes at Sabado sa oras na 20:40 sa kabuuang 16 na episodyo. Bago ang unang episodyo, may 15-minutong prequel webisode ang nilabas kada dalawang araw simula noong Mayo 18, 2015.
Sa Pilipinas, kilala ito bilang My Love Donna na umere sa ABS-CBN na unang lumabas noong Marso 14, 2016 at kinansela noong Abril 8, 2016. Nai-stream ang kumpletong episodyo sa pamamagitan ng iWant at nang naglaon, muli itong umere sa Asianovela Channel.