Tungkol sa palabas na ito

Ang Marimar ay isang Mehikanong telenobelang pantelebisyon na orihinal na ipinalabas noong 1994 ng Televisa. Ang Marimar ay isang remake ng telenobelang La Venganza, na ipinalabas sa Televisa noong 1977 at pinagbidahan nina Helena Rojo at Enrique Lizalde.
Ito ay masyadong kilala sa Latin Amerika, Brazil, Estado Unidos, kabilang ang mga manonood sa French Overseas Network sa mga departamento at teritoryo ng French overseas at mga mananalita ng Portuges sa Aprika at isa sa pinakapinanonood na telenobela sa Pilipinas at Indonesia. Ayon sa arawang dyaryong Ivoir 'Soir, "Sa tiyak na ika-7:30 ng gabi, ang Marimar ay nagsisimula at ang buhay ay tumitigil sa Côte d'Ivoire". Ang mang-aawit na si Thalía ang pinakamalaking bituin sa telenobelang ito.