Tungkol sa palabas na ito

Ang Dream High ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Mga Tauhan:
Suzy bilang Go Hye Mi- isang babaeng walang pakiramdam o walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya. Isa siyang magaling sa bata pagdating sa pagkanta at pagsayaw pero may kakulangan sa pag-arte dahil sa sobrang kasungitan niya. Napilitan siyang mag-aral sa Kirin Art School dahil sa kagustuhan ni Ma Du Shik;ang taong pinagkakautangan ng tatay niya matapos silang ma-bankcrupt. Si Jin Guk ang kababata niya, ang unang taong nagpatibok sa puso ni Hye Mi at naging dahilan ng pagkakaroon ng inspirasyon nito sa pag-abot ng mga pangarap niya. pero sa huli mas minahal niya si Sam Dong
Kim Soo Hyun bilang Song Sam Dong- isang lalaking lumaki sa malayong probinsiya na pumuyag na mag-aral sa Kirin Art School matapos niyang magustuhan si Hye Mi. Malaki ang kagustuhan niyang gumaling sa pagkanta at pagsayaw sa paniniwalang sa ganung paraan matatalo niya si Jin Guk sa puso ni Hye Mi.
Taecyeon bilang Hyeon Shi Hyuk- mataas ang grado niya sa pagkanta at pagsayaw, na labis na kinaiinggitan ni Sam Dong. Isa rin siya sa naging dahilan kaya lumaki lalo ang away ng magkaibigan dati na si Hye Mi at Baek Hee.