Tungkol sa palabas na ito

The Return of Superman ay isang reality-variety show na ipinapalabas ng KBS2 sa bansang Timog Korea. Ang programa ay kinukunan ng mga i sinet-up na camera at ng mga potograpo na nagtatago sa mga tents at playhouses na makikita sa bawat bahay ng mga pamilya na kasali sa programa.
Ang orihinal na tatlong espesyal na episode ng programa ay ipinalabas noong 19 Setyembre 2013 hanggang 21 Setyembre 2013 bilang espesyal na bahagi ng Chuseok Festival, na pinangungunahan nina Hwi-jae Lee, Sung-hoon Choo, Jang Hyun-sung, Lee Hyun-woo at ng kanilang mga anak sa totoong buhay at kasama ang aktres na si Yoo Ho-jeong bilang ang tagapagsalaysay ng programa.
Noong 17 Oktubre 2013, ipinahayag ng KBS na ang The Return of Superman ay opisyal na magiging bahagi ng Happy Sunday at nagsimula ito noong 3 Nobyembre 2013. Ito ay isa sa dalawang kasalukuyang bahagi ng Happy Sunday. Ang programang ito ang pumalit sa Star Family Show Mamma Mia na inilipat tuwing Miyerkules ng gabi.