Ang application na ito ay hango sa orihinal na polyetong limbag ng Dar al-Sawab, Riyadh, KSA. Ni rekomenda at nirepaso ni Shaykh Abdulláh al-Jibreen na isinalin sa wikang Filipino ni Muammar M. Adam upang madaling maunawaan ng mga Pilipinong mambabasa.
Isa sa mga kaalamang kinakailangan sa panahon ngayon bilang isang Muslim ay ang kaalaman hinggil sa wastong pamamaraan ng paglilibing at pag-aasekaso sa bangkay ng isang Mananampalaya. Ito ang binigyang tugon ng lathalaing ito na siyang ginawan natin ng Android version. Naway makapagbigay pakinabang ito sa lahat.
Ang tagapagsalin ay nagtampok din ng mga karagdagang detalye na aakma sa pamumuhay ng mga Pilipino. Gaya ng "Checklist para sa pagpapaligo at pagbabalot ng patay" na makikita dito ang mga bagay at gamit na matatagpuan sa Pilipinas.
Matatagpuan din sa application na ito ang link kung saan maaaring makapag download ng "Huling Habilin" o "Last Will and Testament" na mahalaga para sa mga bagong Muslim na ang pamilya ay hindi Muslim upang ihabilin ang kaniyang katawan sa mga kamusliman kung siya ay pumanaw.
Aktualisiert am
07.02.2024