Si Mallory ay isang abogada na naniniwalang ang pagiging mahusay at pagsasagawa ay ang lahat sa buhay. Dahil sa kaniyang pagiging perpeksyonista, hindi siya nakikita o tinatrato bilang babae ng kaniyang mga nakatataas at mga katrabaho. Pero may sikretong itinatangi ang kaniyang puso. Ang kaniyang palayaw ay ang “Casanova ng Ika-21 Siglo" at siya ang pinatatamaan ng kaniyang walang ipinauubayang pag-ibig mula pa noong sila ay nasa paaralan ng abogasya. Para sa susunod na trabaho, ang mga abogado ay pinagpares-pares at siya ay natapat kay Carter Compton. Pinadala ang dalawa sa New York, na walang kasama, para sa isang trabaho. Para maakit ang palikero, nagpasiya siyang magbagong-anyo sa isang maalindog, napakarilag na tipo ng babae na hindi niya kayang tutulan...