"Magpapaalala sa 'yo na ang dami-dami mong bagay na dapat ipagpasalamat." - Sha Nacino, Author of "Money and Me," Inspirational Speaker
"[Querna Dose] teaches us to love without asking and love even when it
is impossible to do so." - Jho Tacorda, thereyoujho.blogspot.com
STA. MONICA, ROMBLON. MADALING ARAW. MAY NANGUMPISAL KAY FATHER ART…
Sa Bilibid ang bagsak ng kura-paroko na si Father Art dahil lang sa isang pagkakamali—ang magpadala sa takot at magbingi-bingihan sa isang pinaplanong krimeng naikumpisal sa kanya.
Sa Bilibid, makikilala ni Father Art si Paeng, isang kagaya niya na hinihigop ng walang-awang sistema ang natitirang kabutihan sa katawan. Pero dadalhin sila sa magkaibang direksyon ng mga gagawin nilang desisyon—si Father Art sa bagong buhay, si Paeng sa delikadong mundo ng droga.
Ngayon, isang hamon muli para kay Father Art: magbibingi-bingihan na naman ba at magpapadala sa takot o tutugon sa tawag ng konsyensya at gagamitin ang bagong-natagpuang lakas para mailigtas si Paeng sa kapahamakan?
Ang Querna Dose (Prison Cell Number 12) ay kwento ng pagpapatawad, pagtanggap, at pagbabago. Sasagutin din nito ang tanong na “Bakit nga ba nakaunat ang mga braso ‘pag yayakap tayo?”
“Celine” sa mga kaibigan. “Len-Len” sa pamilya. Ipinanganak noong Sept. 17, 1985 sa Maynila. Panganay sa tatlong magkakapatid. Only girl.
Para mas mahasa, nagsanay sa iba’t ibang larangan ng pagsusulat. Noong September hanggang December 2017, sa Scriptwriting Workshop ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Sa filmmaking class ni Direk Surf Reyes ng Film Gym, ang film school ng Film Academy of the Philippines. Sa creative writing course ni Filipiniana Author Chit Dela Torre para sa fiction. Sa “Freelance Writing for Dummies” ni Niña Terol para sa pagsusulat sa mga pahayagan at magasin.
Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Financial Journalist/Reporter sa MT Newswires, isang American media company.
Nagtapos ng kursong B.S. Commerce major in Management of Financial Institutions sa De La Salle University – Manila. Nag-aral sa Notre Dame of Greater Manila noong hayskul. Sa Our Lady of Grace Academy (ngayo’y St. Mary’s Caloocan) noong elementarya.
Impluwensiya sa pagsusulat sina John Grisham, Dan Brown, Paulo Coelho, at Ricky Lee. Kauna-unahang librong isinulat ang “Querna Dose.”
Kwek-kwek. Choco Crunchies. Choco Mallows. Choco Wacko. Ramen. Mami. Pancit. Spaghetti na nilunod sa Cheez Whiz at Alaska Evap. Pero pinakamasarap sa lahat: mag-videoke.