Hindi niya magawang iwasan ang grupo, at tuluyang ngang naging parte na rin sila ng buhay niya. Maging ang pagmamahal na hinahanap niya ay natagpuan niya kay Jeydon Lopez, ang leader ng APAT. Pero dahil sa nakaraan nito, magiging hadlang sa pag-iibigan nila ang gulong maglalagay sa buhay niya sa panganib.
Masaya at nakakakilig kapag bad boy ang minahal, ngunit kailangang kayanin ni Candice ang mga pagsubok na dulot ng pagmamahal niya kay Jeydon."