Ang laman ng programa ay hindi lahat nakasalin sa Filipino. Ang nilalaman at pagsasanay ay nakasalin, ang mga teoryang leksyon ay nasa English.
Ito ay isang kurso para sa mga intermediate na manlalaro batay sa isang aklat-aralin ng kilalang Russian na tagasanay ng chess na si Victor Golenishchev. Ang pinagmulang materyal ay pinalawak ng mga halimbawa ng laro mula sa nangungunang mga manlalaro ng chess sa pinakabagong malalaking paligsahan at inayos sa mga aralin sa chess. Ang kurso ay naglalaman ng 34 na tema, kabilang ang teoretikal na materyal at praktikal na ehersisyo. Ang bahaging teoretikal ay may higit sa 290 halimbawa ng laro. Ang bahaging praktikal ay may higit sa 750 ehersisyo na may iba’t ibang antas ng kahirapan.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Nakapaloob din sa programang ito ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS, macOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Paunang salita
2. Kumpetisyon sa paglutas ng mga kombinasyon
3. Kumpetisyon sa blitz
4. Kumpetisyon sa paglutas ng mga problema
5. Kumpetisyon sa paglutas ng mga pag-aaral
6. Pagsasanay sa teknik ng pagkalkula
7. Mga batayan ng estratehiya
7.1. Karamihan ng pawn sa isang pakpak
7.1.1. Pagsasamantala sa karamihan ng pawn sa gilid ng Reyna
7.1.2. Pagsasamantala sa karamihan ng pawn sa gitna o sa gilid ng Hari
7.1.3. Pakikipaglaban sa karamihan ng pawn sa pakpak
7.2. Kadena ng pawn
7.3. Kalidad na karamihan ng pawn
7.4. Paghihigpit ng galaw at blokada
7.5. Magkaparis na pawn na "c3+d4" sa semi-bukas na mga file
7.6. Isang nahiwalay na pawn sa gitna ng tabla
7.7. Nakasabit na mga pawn
7.8. Estrukturang Carlsbad
7.9. Saradong gitna
7.10. Kabayaran para sa pawn
7.10.1. Dinamikong sakripisyo ng pawn
8. Mga pagtatapos
Na-update noong
Okt 29, 2025