Ang laman ng programa ay hindi lahat nakasalin sa Filipino. Ang nilalaman at pagsasanay ay nakasalin, ang mga teoryang leksyon ay nasa English.
Ito ay isang kumpletong manwal sa pagbubukas. Tampok nito ang teoretikal na pagsusuri ng lahat ng pagbubukas sa chess, na inilalarawan ng mga mapanuring laro ng pinakadakilang manlalaro ng chess. Ang compact na manwal na ito sa pagbubukas ay naglalaman ng detalyadong klasipikasyon, na ginagawang kapaki-pakinabang ito sa mga manlalaro ng anumang antas - baguhan, intermediate at advanced. Bawat baryasyon ng pagbubukas ay may kasamang mga pagsusuri at katangian ng mahahalagang galaw. Inilalarawan ang kasaysayan ng pag-unlad ng mga baryasyon, pati na rin ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Ang materyal sa teorya ay mahusay na inilalarawan ng mga klasikong laro na may detalyadong anotasyon na nagpapakita ng pangunahing ideya at mga plano ng bawat baryasyon para sa Puti at Itim. Mayroon ding espesyal na seksyon ng pagsasanay na may higit sa 350 ehersisyo ng iba’t ibang hirap sa mahigit 40 pagbubukas.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Nakapaloob din sa programang ito ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS, macOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Pambihirang mga laro
2. Depensang Alekhine
3. Depensang Benoni
4. Pagbubukas ni Bird
5. Pagbubukas ni Bishop
6. Pagkontra sa sugal ni Blumenfeld
7. Depensang Bogo-indian
8. Sugal ni Budapest
9. Depensang Caro-Kann
10. Sistemang Catalan
11. Sugal sa gitna
12. Depensang Dutch
13. Pagbubukas ni English
14. Sugal ni Evans
15. Larong apat na kabalyero
16. Depensang French
17. Depensang Grünfeld
18. Depensang Italian & Hungarian
19. Depensang King's Indian
20. Sugal ni Latvian
21. Depensang Nimzo-indian
Na-update noong
Okt 31, 2025