Ang opisyal na SF311 app ay para sa mga mga naninirahan sa o mga residente at bisita ng San Francisco. Sa ganitong paraan, ang sino mang gumagamit nito ay mabilis at madaling makakapag sumbong ng mga isyu o suliranin tungkol sa kalidad ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga retrato, maikling pagsasalalarawan ng nakitang problema, at lugar kung nasaan ng problema batay sa mapa. Ang mga ulat at kahilingain sa mga suliranin tulad ng graffiti, mga lubak sa kalsada, o pagpapalinis ng lansangan ay direktang ipapasa ng app sa kaukulang ahensyang naatasang magbigay ng serbisyo para sa mas mabilis na pagtugon. Maaaring alamin ng gumagamit nito ang katayuan o kalagayan ng kasong iniulat sa app at makatatanggap ng pinaka bagong balita sa pagsasaayos nito.
Na-update noong
Hun 5, 2024