Google Fit: I-track-Aktibidad

3.9
628K review
100M+
Mga Download
Rating ng content
Lahat
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan

Tungkol sa app na ito

Maging mas malusog at mas aktibo sa bagong Google Fit!

Mahirap malaman kung gaano karaming aktibidad o anong uri ng aktibidad ang kailangan mo para manatiling malusog. Kaya naman nakipagtulungan ang Google Fit sa World Health Organization (WHO) at American Heart Association (AHA) para maihatid sa iyo ang Mga Puntos sa Pag-cardio, isang layunin sa aktibidad na makakatulong sa iyong mapabuti ang kalusugan mo.

Ang mga aktibidad na nakakapagpabilis sa tibok ng iyong puso ay may napakaraming benepisyo sa kalusugan para sa puso at isip mo. Makakakuha ka ng isang Puntos sa Pag-cardio para sa bawat minuto ng katamtamang aktibidad, tulad ng mabilis na paglalakad kapag inilalakad ang aso mo, at dobleng puntos para sa mas mabibigat na aktibidad tulad ng pagtakbo. 30 minuto lang ng mabilis na paglalakad nang limang araw sa isang linggo ang kailangan para maaabot ang dami ng pisikal na aktibidad na inirerekomenda ng AHA at WHO, na napatunayan nang nakakapagpaliit sa posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, nakakapagpahimbing ng tulog, at nakakapagpabuti sa pangkalahatang kalusugan ng pag-iisip.

Tutulungan ka rin ng Google Fit na:

SUBAYBAYAN ANG IYONG MGA WORKOUT MULA SA TELEPONO O RELO MO
Makakuha ng mga instant na insight kapag nag-eehersisyo ka at makakita ng mga real-time na istatistika para sa iyong mga pagtakbo, paglalakad, at pagbibisikleta. Gagamitin ng Fit ang mga sensor ng Android phone mo o ang mga sensor ng bilis ng tibok ng puso ng Wear OS by Google smartwatch para itala ang iyong tulin, bilis, ruta, at higit pa.

SUBAYBAYAN ANG IYONG MGA LAYUNIN
Tingnan ang iyong progreso bawat araw sa iyong layunin sa Mga Puntos sa Pag-cardio at Mga Hakbang. Naaabot mo ba ang iyong mga layunin sa lahat ng oras? Isaayos ang mga layunin mo sa madaling paraan para patuloy na hamunin ang iyong sarili na magkaroon ng malusog na puso at isip.

TIYAKING NABIBILANG ANG LAHAT NG IYONG PAGGALAW
Kung maglalakad, tatakbo, o magbibisikleta ka sa buong araw, awtomatikong tutukuyin ng iyong Android phone o Wear OS by Google smartwatch ang mga aktibidad mo at idaragdag nito ang mga ito sa iyong journal sa Google Fit para matiyak na makakatanggap ka ng credit para sa bawat paggalaw. Gusto mo ba ng karagdagang credit? Pasiglahin ang iyong mga paglalakad sa pamamagitan ng pagsisimula ng may pacing na paglalakad na workout at paghakbang kasabay ng beat. May ibang uri ng workout ka bang nae-enjoy? Piliin ito sa listahan ng mga aktibidad gaya ng pilates, rowing, o spinning, at susubaybayan ng Google Fit ang lahat ng makukuha mong Puntos sa Pag-cardio.

KUMONEKTA SA IYONG MGA PABORITONG APP AT DEVICE
Puwedeng magpakita sa iyo ang Fit ng impormasyon mula sa marami sa mga paborito mong app at device para mabigyan ka ng pangkalahatang-ideya sa iyong kalusugan, nang sa gayon ay palagi mong masusubaybayan ang iyong progreso. Kasama sa mga ito ang Lifesum, Wear OS by Google, Nike+, Runkeeper, Strava, MyFitnessPal, Basis, Sleep as Android, Withings, Xiaomi Mi bands, at higit pa.

MAG-CHECK IN KAILANMAN, SAANMAN
Makakita ng snapshot ng iyong history ng aktibidad sa buong Fit at sa mga isinama mong app sa journal na may bagong disenyo. O kaya, alamin ang buong detalye sa mag-browse, kung saan mo makikita ang lahat ng data ng iyong kalusugan at wellness.

SUBAYBAYAN ANG PULSO NG IYONG KALUSUGAN
Ang paghinga ay isa sa mga pinakasimpleng paraan para mabawasan ang tensyon at stress. Sa Fit, madali lang ang pagsusuri sa iyong paghinga—ang kailangan mo lang ay ang camera ng iyong telepono. Bukod pa sa bilis ng iyong paghinga, masusukat mo ang bilis ng tibok ng iyong puso para mas maunawaan ang wellness ng katawan mo.

TINGNAN SA ISANG SULYAP ANG STATS MO SA ISANG ARAW
Magdagdag ng widget sa home screen ng Android phone mo o mag-set up ng tile at complication sa iyong Wear OS by Google smartwatch.

Matuto pa tungkol sa Google Fit at makakita ng listahan ng mga sinusuportahang app sa: www.google.com/fit
Na-update noong
Abr 29, 2024

Kaligtasan ng data

Nagsisimula ang kaligtasan sa pag-unawa kung paano kinokolekta at ibinabahagi ng mga developer ang iyong data. Posibleng mag-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad ng data batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Ang developer ang nagbigay ng impormasyong ito at posibleng i-update niya ito sa paglipas ng panahon.
Walang data na ibinabahagi sa mga third party
Matuto pa tungkol sa kung paano inihahayag ng mga developer ang pagbabahagi
Posibleng kolektahin ng app na ito ang mga ganitong uri ng data
Lokasyon, Personal na impormasyon at 6 pa
Ine-encrypt ang data habang inililipat
Puwede mong hilinging i-delete ang data na iyon
Independent na pagsusuri sa seguridad
'> -->
Hindi Natagpuan
Ikinalulungkot namin, hindi nakita ang hiniling na URL sa server na ito.