Nagsisimula nang presko na may bagong mukha at pangalan ang Samsung Experience Home: One UI Home. Mayroon itong simpleng layout ng screen, mga icon na maganda ang pagkakaayos, pati na mga screen ng Home at Mga App na akmang-akma sa mga Galaxy device. Kilalanin ang mas magandang One UI Home na tinitimpla ang pagiging pamilyar sa pagiging bago.
[Mga bagong feature na makukuha mula sa Android Pie]
• Gamitin ang Mga full screen na gesture sa Home screen.
- Maitatago mo ang mga Navigation button sa ilalim ng Home screen at mabilis na lumipat sa pagitan ng mga app gamit ang mga hudyat. I-enjoy ngayon ang mas malaki pang Home screen.
• I-lock ang layout ng Home screen pagkatapos na muling iayos ang mga icon ng app.
- Maiiwasan nito na maidagdag ang mga pahina at na mabago ang posisyon ng mga icon ng app o maalis nang hindi sinasadya. Para i-lock ang layout ng Home screen, pumunta sa mga setting ng Home screen, tapos naka-on ang I-lock ang layout ng Home screen.
• I-touch at i-hold ang isang app icon o widget.
- Mabilis mong maa-access ang screen ng mga setting ng Info ng app o Widget nang hindi sumasailalim sa maraming menu.
※ Kailangan ng mga feature na inilarawan sa itaas ng update sa Android 9.0 Pie o mas bagong bersiyon.
※ Maaaring naiiba ang mga magagamit na feature depende sa device o bersiyon ng OS.
Kung mayroon kang anumang tanong o nakakaranas ng anumang problema habang ginagamit ang One UI Home, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Samsung Members app.
Na-update noong
Set 15, 2019