Ang laman ng programa ay hindi lahat nakasalin sa Filipino. Ang nilalaman at pagsasanay ay nakasalin, ang mga teoryang leksyon ay nasa English.
Ang pangunahing programa sa chess para sa mga manlalaro sa club. Ang unang bahaging ito ay naglalaman ng higit sa 1300 ehersisyo (higit sa 200 halimbawa upang tuklasin at 1100 upang lutasin), na ikinlasipika sa 40 taktikal na pamamaraan at motibo.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Nakapaloob din sa programang ito ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS, macOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Chess Combinations Vol. 1
1.1. Panalo
1.1.1. Pagmamate sa 1
1.1.2. Dobleng atake
1.1.3. Sabayang atake
1.1.4. Tuklas na atake
1.1.5. Tuklas na atake na may tsek
1.1.6. Tuklas na tsek
1.1.7. Molino
1.1.8. Dobleng tsek
1.1.9. Linear na atake
1.1.10. Ganap na pagkakapako
1.1.11. Relatibong pagkakapako A
1.1.12. Relatibong pagkakapako B
1.1.13. Bitag sa pagbubukas
1.1.14. Lumampas na pawn
1.1.15. Pansamantalang tira
1.1.16. Pansamantalang tsek
1.1.17. Kontra-atakeng tira
1.1.18. Zugzwang
1.1.19. Pagsalakay
1.1.20. Hindi matutulang banta
1.1.21. Ambus
1.1.22. X-Ray
1.1.23. Pagkuha ng tempo
1.2. Tabla
1.2.1. Teoretikal na tabla
1.2.2. Patay na posisyon
1.2.3. Desperado
1.2.4. Paulit-ulit na tsek
1.2.5. Paulit-ulit na atake
1.2.6. Paulit-ulit na banta
1.2.7. Posisyonal na tabla
1.2.8. Kuta
1.2.9. Blokada
1.3. Pagsasama ng mga taktikal na kagamitan
1.3.1. Pagsasama ng mga taktikal na kagamitan
1.3.2. Mga Ehersisyo 1
1.3.3. Mga Ehersisyo 2
1.3.4. Mga Ehersisyo 3
Na-update noong
Okt 29, 2025