Ang laman ng programa ay hindi lahat nakasalin sa Filipino. Ang nilalaman at pagsasanay ay nakasalin, ang mga teoryang leksyon ay nasa English.
Ang palakaibigang interaktibong kursong ito ay inilaan para sa parehong bata at matatandang baguhan. Nahahati ito sa 2 pangunahing bahagi: Mga tuntunin ng chess at Paglalaro. 500 maingat na piniling, at sa maraming kaso idinisenyong, mga halimbawa upang makatulong sa mag-aaral.
Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.
Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.
Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.
Nakapaloob din sa programang ito ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.
Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS, macOS at Web
Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Panimula
1.1. Panimula
1.2. Tabla ng chess
1.3. Mga piyesa ng chess
1.4. Panimulang posisyon
2. Mga galaw ng piyesa
2.1. Tore
2.2. Obispo
2.3. Reyna
2.4. Kabayo
2.5. Hari
2.6. Pawn
3. Promosyon ng pawn
4. Ang relatibong halaga ng mga piyesa
5. Ang papel ng hari. Tsek at mate
5.1. Tsek
5.2. Pag-iwas sa tsek
5.3. Pagmamate
5.4. Castling
5.5. Pagmamate sa isang tira
5.6. Patay na posisyon
5.7. Paulit-ulit na tsek
6. Pagkuha
7. Notasyon (Paano basahin ang mga tira)
8. Simpleng pagkuha
8.1. Panalo ng kabayo
8.2. Panalo ng obispo
8.3. Panalo ng tore
8.4. Panalo ng reyna
8.5. Panalo ng piyesa
9. Simpleng depensa
9.1. Pag-urong
9.2. Pagtatanggol gamit ang ibang piyesa
9.3. Pagkuha sa umaatakeng piyesa
9.4. Panghihimasok
9.5. Pagdepensa laban sa pagmamate
10. Pagpapaunlad ng kasanayan sa chess
11. Ang papel ng hari. Pagpapatuloy
11.1. Pagmamate sa 1
11.2. Pagmamate sa 2
11.3. Tuklas na tsek
11.4. Dobleng tsek
11.5. Paulit-ulit na tsek
12. Hari at reyna laban sa isang hari
13. Hari at tore laban sa isang hari
14. Hari at maliit na piyesa laban sa isang hari
15. Hari at pawn laban sa isang hari
16. Etiquette sa panahon ng laro
17. Mga maze sa chess
Na-update noong
Okt 31, 2025