Ang parental controls ng Family Link ay ang kasamang app sa Family Link para sa mga magulang. I-download lang ang app na ito sa device na ginagamit ng bata o teenager. Subukan ang Family Link app na may parental controls mula sa Google. Anuman ang edad ng anak mo, puwede kang magtakda ng digital na panuntunan nang malayuan mula sa device mo gamit ang Family Link para magabayan siya habang natututo, naglalaro, at nag-e-explore online. Para sa batang wala pang 13 (o wala pa sa
naaangkop na edad na puwede nang magbigay ng pahintulot sa bansa mo), sa Family Link, makakagawa ka rin ng Google Account para sa anak mo na tulad sa iyo, na may access sa karamihan ng serbisyo ng Google.
Sa parental controls ng Family Link, magagawa mong:
Gabayan siya sa mabuting content • Tingnan ang kanyang aktibidad - Hindi magkakapareho ang lahat ng tagal ng paggamit. Tulungan ang anak mong magpasya nang tama kaugnay ng mga gagawin sa kanyang Android device gamit ang mga ulat sa aktibidad na nagpapakita kung gaano katagal niyang ginagamit ang mga paborito niyang app. Makakakita ka ng pang-araw-araw, linggu-linggo, o buwan-buwang ulat.
• Pamahalaan ang mga app - Gamit ang mga notification, puwede mong aprubahan o i-block ang app na gustong i-download ng anak mo sa Google Play Store. Puwede ka ring mamahala ng mga in-app na pagbili, at magtago ng mga partikular na app sa kanyang device nang malayuan sa sarili mong device.
• Himukin siyang mag-isip - Puwedeng mahirap tukuyin kung anong mga app ang naaangkop sa anak mo, kaya ipinapakita sa iyo ng Family Link ang mga app sa Android na inirerekomenda ng mga guro, na maidaragdag mo sa kanyang device.
Subaybayan ang tagal ng paggamit • Magtakda ng limitasyon - Ikaw ang bahalang magpasya sa tagal ng paggamit para sa iyong anak. Nagbibigay-daan sa iyo ang Family Link na magtakda ng limitasyon sa oras at oras ng pagtulog sa kanyang mga sinusubaybayang device para matulungan siyang mabalanse ang mga ito.
• I-lock ang kanyang device - Kung oras nang maglaro sa labas, kumain ng hapunan, o magsama-sama, puwede mong malayuang i-lock ang sinusubaybayang device sa tuwing oras nang magpahinga.
Alamin kung nasaan siya • Makakatulong na mahanap ang iyong anak kapag siya ay on the go. Magagamit mo ang Family Link sa paghahanap sa kanya basta't dala niya ang kanyang Android device.
Mahalagang Impormasyon • Iba't iba ang tool ng Family Link depende sa device ng iyong anak. Tumingin ng listahan ng mga tugmang device sa families.google.com/familylink/setup
• Bagama't tinutulungan ka ng Family Link na pamahalaan ang pagbili at pag-download ng anak mo sa Google Play, hindi niya kailangan ng pag-apruba para mag-install ng mga update sa app (pati ng mga update na nagpapalawak ng pahintulot), app na dati nang naaprubahan, o app na naibahagi na sa Family Library. Regular dapat na suriin ng magulang ang naka-install na app at pahintulot sa app ng kanyang anak sa Family Link.
• Dapat mong suriing mabuti ang mga app sa sinusubaybayang device ng iyong anak at i-disable ang mga ayaw mong ipagamit sa kanya. Tandaang posibleng hindi mo ma-disable ang ilang naka-preinstall na app.
• Para makita ang lokasyon ng device ng anak mo, dapat ay naka-on, kamakailang aktibo, at nakakonekta ito sa internet.
• Available lang ang mga app na inirerekomenda ng guro sa mga Android device sa US sa mga magulang ng mga batang nasa partikular na edad.
• Bagama't may mga tool ang Family Link para mapamahalaan ang karanasan ng iyong anak online, hindi nito ginagawang ligtas ang internet. Ginawa ito para magkaroon ng mga opsyon ang mga magulang kaugnay ng paggamit ng kanilang mga anak ng internet, at magpasimula ng mga pag-uusap tungkol sa paggamit nito.