Gamit ang Google Wallet, mabilis at ligtas na ma-aaccess ang iyong mga pang araw-araw na pangangailangan. Sumakay sa eroplano, manood ng pelikula, makakuha ng mga reward sa mga paborito mong tindahan, at iba pa—lahat gamit ang iyong Android phone. Panatilihing protektado ang lahat sa iisang lugar, kahit na ikaw ay offline
MADALING GAMITIN
Madaling ma-access ang iyong kailangan
• Tatlong mabilis na paraan para sa pag-access ng iyong mga pang-araw-araw na pangangailangan: gamitin ang mga setting ng telepono mo para sa mabilis na access, buksan ang Wallet app mula sa iyong homescreen o gamitin ang Google Assistant kapag marami kang ibang hawak.
Dalhin ang mga card, ticket, pass, at iba pa
• Sumakay sa eroplano, manood ng concert, o makakuha ng mga reward sa mga paborito mong tindahan gamit digital wallet na hindi lang pera ang laman
Ang kailangan mo, kapag kailangan mo ito
• Puwedeng ipakita ng iyong Wallet ang kailangan mo, kapag kailangan mo ito. Makakatanggap ka ng notification para sa iyong boarding pass sa araw ng biyahe, para hindi mo na kailanganin pang hanapin sa iyong bag.
KAPAKI-PAKINABANG
Maayos na integration sa buong Google
• I-sync ang iyong Wallet para panatilihing up to date ang Calendar at Assistant mo sa pinakabagong impormasyon tulad ng mga update sa flight at notification ng event
• Maging wais sa pamimili sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong mga balanse ng puntos at benepisyo ng loyalty sa Maps, Shopping, at iba pa
Mabilis na pag set-up
• Tuloy-tuloy ang pag-set up dahil sa kakayahang mag-import ng mga card, boarding pass, loyalty card, at iba pang na-save mo sa Gmail.
Manatiling updated on the go
• Padaliin ang pagsakay sa eroplano gamit ang pinakabagong impormasyon mula sa Google Search. Puwede kang i-update ng Google Wallet tungkol sa mga pagbabago ng gate o hindi inaasahang pagkaantala ng flight.
LIGTAS AT PRIBADO
Secure na paraan para dalhin ang lahat
• Naka-built in ang seguridad at pagka pribado sa bawat bahagi ng Google Wallet para panatilihing protektado ang lahat ng iyong pangangailangan
Seguridad ng Android na maaasahan mo
• Panatilihing secure ang iyong data at mga pangangailangan gamit ang mga advanced na panseguridad na feature ng Android tulad ng 2-Step na Pag-verify, Hanapin ang Aking Telepono, at remote na pagbura ng data.
Ikaw ang may kontrol sa iyong data
• Gamit ang mga madaling gamiting kontrol sa privacy, makakapag-opt in ka sa pagbabahagi ng impormasyon sa mga produkto ng Google ayon sa nais mong experience.
Available ang Google Wallet sa lahat ng Android phone (Pie 9.0+).
May mga tanong pa? Pumunta sa support.google.com/wallet.
Hindi available ang app sa mga Wear OS device
Na-update noong
Nob 13, 2025