Ang Accessibility Suite ng Android ay isang koleksyon ng mga accessibility app na nakakatulong sa iyo na gamitin ang Android device mo nang hindi kailangang tumingin o gamit ang isang switch device.
Ang Accessibility Suite ng Android ay may:
• Menu ng Accessibility: Gamitin ang malaking menu sa screen na ito para i-lock ang iyong telepono, kontrolin ang volume at liwanag, kumuha ng mga screenshot, at higit pa.
• Select to Speak: Pumili ng mga item sa iyong screen para marinig na binibigkas ang mga iyon.
• Screen reader ng TalkBack: Makatanggap ng pasalitang feedback, kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng mga galaw, at mag-type gamit ang braille keyboard.
Para magsimula:
1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
2. Piliin ang Accessibility.
3. Piliin ang Menu ng Accessibility, Select to Speak, o TalkBack.
Kinakailangan ang Android 6 (Android M) o mas bago para sa Accessibility Suite ng Adnroid. Para magamit ang TalkBack para sa Wear, kakailanganin mo ng Wear OS 3.0 o mas bago.
Abiso tungkol sa Mga Pahintulot
• Telepono: Inoobserbahan ng Accessibility Suite ng Android ang status ng telepono para maiakma nito ang mga anunsyo sa status ng iyong tawag.
• Serbisyo para sa Accessibility: Dahil serbisyo para sa accessibility ang app na ito, magagawa nitong obserbahan ang iyong mga pagkilos, kumuha ng content ng window, at obserbahan ang text na tina-type mo.
• Mga Notification: Kapag pinayagan mo ang pahintulot na ito, maaabisuhan ka ng TalkBack tungkol sa mga update.
Na-update noong
Set 12, 2024